DJ Loonyo nag-sorry sa lahat ng nasaktan sa kanyang life story sa #MPK

INULAN ng batikos ang internet at TikTok star na si DJ Loonyo matapos ipalabas sa Magpakailanman ang kanyang life story kagabi.

Ito’y dahil na rin sa napakahabang Facebook post ng dating karelasyon ng choreographer na si Aika Flores na inireklamo ang ilang detalye sa kuwentong napanood sa #MPK hosted by Mel Tiangco.

Maraming rebelasyon si Aika tungkol sa naging relasyon nila ni DJ Loonyo, kabilang na nga riyan ang pagkakaroon nila ng anak at kung paano siya pinabayaan at binalewala ng controversial dancer.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang DJ ng open letter para sa lahat ng mga na-offend at naapektuhan ng pagkakalahad ng kanyang life story.

“Ngayong July 19, 2020, umere sa programang Magpakailanman ang life story ni Rhemuel Lunio, a.k.a. DJ Loonyo.

“Naturally and expectedly, there are varied reactions to the story as it was told through the eyes of the creative staff of the program,” simulang paglilinaw ng dancer-choreographer.

“First and foremost, DJ Loonyo conducted an interview to share intimate and publicly unknown details about his life for the coverage, with the request to omit or leave out some sensitive parts, particularly pertaining to his son.

“We, as a management and team, signed a contract allowing the program to enhance certain aspects of his life, because it is still, in fact, for a dramatic TV show retelling.

“On behalf of Rhemuel or DJ Loonyo (however you may want to refer to him), we would like to sincerely apologize to the individuals or their families who were offended by the retelling of his life story.

“We genuinely mean no offense, nor wish any ill or harm on anyone, most of all that of his son.”

Wala rin daw silang intensyong makapanakit o lagyan ng malisya sa kuwento kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng nagpahayag ng suporta.