Lalaking may private jet basted kay Ivana: Ay, boy ibahin mo ako! You have to make ligaw to me!

SINUPALPAL ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang lalaking nanligaw sa kanya noon na nuknukan daw ng yabang.

Niyaya raw kasi siya nito na mag-date sila sa Japan gamit ang kanyang private jet. Hindi binanggit ng dalaga ang identity ng guy pero aniya, madalas itong nagpapadala ng direct message sa kanya sa Instagram.

One time raw ay nag-post siya sa IG na feel niyang lumafang ng Japanese food at nag-comment nga ang lalaking nanliligaw sa kanya.

“Parang nagki-crave ako nag-post ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM sa Instagram. Sabi niya, ‘Puwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos punta tayo ng Japan, tapos kakain tayo du’n,’” kuwento ni Ivana sa kanyang latest vlog sa YouTube.

“Tapos, parang ako, sa tingin mo sasama ako sa ‘yo papunta ng Japan dahil lang may jet ka? No! Ni-reject ko yun. Ang yabang! Hindi siya bongga. Mayabang. Pinakamayabang yun,” chika pa ng dalaga.

Hirit pa niya sa mayamang lalaki, “Eto lang masasabi ko, hindi porke’t may pera ka makukuha mo lahat ng gusto mo.

“Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly.

“Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porke’t, ‘Ay, may jet ako,’ lahat ng babae sasama sa ‘yo.”

Patuloy pa niya, “Ay, boy! Ibahin mo ako. You have to make ligaw to me or you have to be friends with me. But hindi ako sasama sa iyo dahil lang may jet ka at kaya mo akong pakainin sa Japan.

“Boy, meron naman mga Japanese resto dito. Ay, naku! Naiinis talaga ako. Hindi siya bongga. Pinakamayabang,” dagdag pang chika ni Ivana.

Hirit pa niya, kahit sa pamilya at mga kaibigan niya ay lagi niyang sinasabi na huwag na siyang bibigyan ng expensive gifts kahit may okasyon.
“Mas gusto ko po yung simple. Dalhin mo ako sa bulalo, kwekwek. Pero yung yayabangan mo ako? Ay, ni-reject ko talaga.”

“Why are you rejecting me on the spot?” ang tanong daw sa kanya ng guy na sinagot naman niya ng, “Kasi mayabang ka.”

“Sabi niya, ako pa lang nag-reject sa kanya. Sabi ko, ‘Nye. First time mo?’” natatawa pang kuwento ng Kapamilya sexy actress-YouTuber.

Yan yung tunay na babae :laughing:

1 Like

Haha kwek kwek saka bulaklak pede na may pag asa pa ko haha

1 Like

nabanggit din ni ivana yan sa GGV noon, na ayaw niya sa mga expensive things.

1 Like